CLOSE ✕
Get in Touch
Thank you for your interest! Please fill out the form below if you would like to work together.

Thank you! Your submission has been received!

Oops! Something went wrong while submitting the form

rizal books

Noli Me Tángere


Ang Noli Me Tángere ay isang nobelang isinulat ni Jose Rizal, at inilathala noong 1887, sa Europa. Hango sa Latin ang pamagat nito na may kahulugang "huwag mo akong salingin (o hawakan)". Sinipi ito mula sa San Juan 20:17 kung saan sinabi ni Hesus kay Maria Magdalena na "Huwag mo akong salingin sapagkat hindi pa ako nakaaakyat sa aking ama.". Mas madalas itong tinatawag na Noli; at ang salin nito saIngles ay Social Cancer. Sinundan ito ng El Filibusterismo.

Kasaysayan
Unang nobela ni Rizal ang Noli Me tangere. Inilathala ito noong 26 taóng gulang siya. Makasaysayan ang aklat na ito at naging instrumento upang makabuo ang mga Pilipino ng pambansang pagkakakilanlan.

Sa di-tuwirang paraan, nakaimpluwensiya ang aklat ni Rizal sa rebolusyon subalit si Rizal mismo ay isang nananalig sa isang mapayapang pagkilos at isang tuwirang representasyon sa pamahalaang Kastila. Sinulat sa wikang Kastila ang Noli, ang wika ng mga edukado noong panahong yaon.
Sinimulan ni Rizal ang nobela sa Madrid, Espanya. Kalahati nito ay natapos bago siya umalis ng Paris, at natapos ito sa Berlin, Alemanya. Inilaan ni Vicente Blasco Ibáñez, isang bantog na manunulat, ang kaniyang serbisyo bilang tagapayo at tagabasa.
Ang nobela ni Rizal ay tumatalakay sa mga kinagisnang kultura ng Pilipinas sa pagiging kolonya nito ng Espanya. Binabatikos din ng nobela ang mga bisyo na nakasanayan ng mga Pilipino at ang kapangyarihang taglay ng Simbahang Katoliko na nahihigit pa ang kapangyarihan ng mga lokal na alkalde.

Bumuo ng kontrobersiya ang nobelang ito kung kaya't pagkatapos lamang ng ilang araw na pagbalik ni Rizal sa Pilipinas, tinanggap ni Gobernador-Heneral Terrero sa Malacañang at inabisuhang puno ng subersibong ideya ang Noli. Pagkatapos ng usapan, napayapa ang liberal ng Gobernador Heneral ngunit nabanggit niya na wala siyang magagawa sa kapangyarihan ng simbahan na gumawa ng kilos laban sa nobela ni Rizal.
Mahihinuha ang persekusyon sa kaniya sa liham ni Rizal saLeitmeritz:“Gumawa ng maraming ingay ang libro ko; kahit saan, tinatanong ako ukol rito.

Gusto nila akong gawing excommunicado dahil doon... pinagbibintangan akong espiya ng mga Aleman, ahente ni Bismarck, sinasabi nila na Protestante ako, isang Mason, isang salamangkero, isang abang kaluluwa. May mga bulong na gusto ko raw gumawa ng plano, na mayroon akong dayuhang pasaporte at gumagala ako sa kalye pagkagat ng dilim ...


Mga Pangunahing Tauhan

Crisostomo Ibarra  Si Juan Crisostomó Ibárra y Magsálin (o Crisostomo o Ibarra), ay isang binatang nag-aral sa Europa; nangarap na makapagpatayo ng paaralan upang matiyak ang magandang kinabukasan ng mga kabataan ng San Diego.

Maria Clara Si Mariá Clara de los Santos y Alba (o Maria Clara), ay ang mayuming kasintahan ni Crisostomo; mutya ng San Diego na inihimatong anak ng kaniyang ina na si Doña Pia Alba kay Padre Damaso.

Padre Damaso Si Dámaso Verdolagas (o Padre Damaso), ay isang kurang Pransiskano na napalipat ng ibang parokya matapos maglingkod ng matagal na panahon sa San Diego. Siya ang tunay na ama ni Maria Clara.

Kapitan Tiago Si Don Santiago de los Santos (o Kapitan Tiago), ay isang mangangalakal na tiga-Binondo; ama-amahan ni Maria Clara.

Elias Si Elias ay isang bangkero at magsasakang tumulong kay Ibarra para makilala ang kaniyang bayan at ang mga suliranin nito.

Sisa, Crispin, at BasilioSi Narcisa (o Sisa), ay isang masintahing ina na ang tanging kasalanan ay ang pagkakaroon ng asawang pabaya at malupit.Sina Basilio at Crispin ay mga magkapatid na anak ni Sisa; sila ang sakristan at tagatugtog ng kampana sa simbahan ng San Diego..

Pilosopo Tasyo Si Don Anastasio o Pilosopo Tasyo, ay isang pantas at maalam na matandang tagapayo ng marurunong na mamamayan ng San Diego. Kadalasan siyang tinatawag na baliw dahil hindi maunawaan ng mga mangmang ang katalinuhan niya.

Donya VictorinaSi Donya Victorina de los Reyes de Espadaña o Donya Victorina, ay isang babaing nagpapanggap na mestisang Kastila kung kayâ abot-abot ang kolorete sa mukha at maling pangangastila. Mahilig niyang lagyan ng isa pang "de" ang pangalan niya dahil nagdudulot ito ng "kalidad" sa pangalan niya.

El filibusterismo

Ang nobelang El filibusterismo (literal na "Ang Pilibusterismo") o Ang Paghahari ng Kasakiman ay ang pangalawang nobelang isinulat ng pambansang bayani ng Pilipinas na si José Rizal, na kaniyang buong pusong inialay sa tatlong paring martir na lalong kilala sa bansag naGomburza o Gomez, Burgos, at Zamora. Ito ang karugtong o sequel sa Noli Me Tangere at tulad sa Noli, nagdanas si Rizal ng hirap habang sinusulat ito at, tulad din nito, nakasulat ito sa Kastila. Sinimulan niya ang akda noong Oktubre ng 1887 habang nagpapraktis ng medisina sa Calamba.Sa London, noong 1888, gumawa siya ng maraming pagbabago sa plot at pinagbuti niya ang ilang mga kabanata. Ipinagpatuloy ni Rizal ang pagtatrabaho sa kaniyang manuskrito habang naninirahan sa Paris, Madrid, at Brussel, at nakompleto niya ito noong 29 Marso 1891, saBiarritz. Inilathala ito sa taon ring iyon sa Gent. Isang nagngangalang Valentin Ventura na isa niyang kaibigan ang nagpahiram ng pera sa kanya upang maipalimbag at mailathala ng maayos ang aklat noong 22 Setyembre 1891.[kailangan ng sanggunian]Ang nasabing nobela ay pampolitika na nagpapadama, nagpapahiwatig at nagpapagising pang lalo sa maalab na hangaring makapagtamo ng tunay na kalayaan at karapatan ng bayan.

Mga tauhan

BlogBlog

Simoun - ang mayamang mag-aalahas, na nakasalaming may kulay, na umano'y tagapayo ng Kapitan Heneral ngunit siya ay si Juan Crisostomo Ibarra na nagbalik upang maghiganti sa kanyang mga kaaway.

Isagani - ang makatang kasintahan ni Paulita, pamangkin ni Padre Florentino.

Basilio - ang mag-aaral ng medisina at kasintahan ni Juli.

Kabesang Tales - ang naghahangad ng karapatan sa pagmamay-ari ng lupang sinasaka na inaangkin ng mga prayle.Tandang Selo - ama ni Kabesang Tales na nabaril ng kanyang sariling apo.

Senyor Pasta - Ang tagapayo ng mga prayle sa mga suliraning legal.

Ben Zayb - ang mamamahayag sa pahayagan.Placido Penitente - ang mag-aaral na nawalan ng ganang mag-aral sanhi ng suliraning pampaaralan.

Mga Nobela ni Jose Rizal

Noli Me TangereEl filibusterismoMakamisaPadre Camorra - ang mukhang artilyerong pari.Padre Fernandez - ang paring Dominikong may malayang paninindigan.

Padre Salvi - ang paring Franciscanong dating kura ng bayan ng San Diego.

Padre Florentino - ang amain ni IsaganiDon Custodio - ang kilala sa tawag na Buena TintaPadre Irene - ang kaanib ng mga kabataan sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang KastilaJuanito Pelaez - ang mag-aaral na kinagigiliwan ng mga propesor; nabibilang sa kilalang angkang may dugong KastilaMacaraig - ang mayamang mag-aaral na masigasig na nakikipaglaban para sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila ngunit biglang nawala sa oras ng kagipitan.

Sandoval - ang kawaning Kastila na sang-ayon o panig sa ipinaglalaban ng mga mag-aaralDonya Victorina - ang mapagpanggap na isang Europea ngunit isa namang Pilipina; tiyahin ni Paulita.

Paulita Gomez - kasintahan ni Isagani ngunit nagpakasal kay Juanito Pelaez.Quiroga - isang mangangalakal na Intsik na nais magkaroon ng konsulado sa Pilipinas.Juli - anak ni Kabesang Tales at katipan ni Basilio.

Hermana Bali - naghimok kay Juli upang humingi ng tulong kay Padre Camorra.Hermana Penchang - ang mayaman at madasaling babae na pinaglilingkuran ni Juli.

Ginoong Leeds - ang misteryosong Amerikanong nagtatanghal sa perya.

Imuthis - ang mahiwagang ulo sa palabas ni Ginoong LeedsPepay - ang mananayaw na sinasabing matalik na kaibigan daw ni Don Custodio.Camaroncocido - isang espanyol na ikinahihiya ng kanyang mga kalahi dahil sa kanyang panlabas na anyo.

Tiyo Kiko - matalik na kaibigan ni Camaroncocido.

Gertrude - mang-aawit sa palabas.Paciano Gomez - kapatid ni Paulita.

Don Tiburcio - asawa ni Donya Victorina.

"ANG KABATAAN ANG PAG-ASA NG BAYAN"
-Jose Rizal